Thursday, May 17, 2012

Be Happy

Be Happy....


Napakasipag nating mga Pinoy. Trabaho dito, Trabaho dun. Kayod sa umaga, kayod sa gabi. 8-5 na nga ang trabaho, may sideline pang pagtitinda sa gabi, may lending, may pahulugan, Natasha, Avon, Tupperware, etc...etc...etc...Hindi naman tayo gahaman, multi-tasking lang...at karamihan, libangan lang ang mag sideline...it makes sense...habang naglilibang eh kumikita...oh, di ba?...

Kaya hindi ako naniniwalang mahirap ang buhay ng mga Pinoy...Ang problema nga lang kasi tayo pag may konting pera nasa mall na. Gasta dito, gasta doon. "One day millionaire"...Walang tigil sa pag gasta habang may pera...Ngayon kung nagkamali ng o nasobrahan sa paggasta, natural eh di hibernate...pulubi mode muna. Kapag may pera na ulit, di all the way hapi-hapi ulit....di ba?...

Ganun ang karamihan sa ating mga pinoy...at guilty ako dun.

Maiksi lang ang buhay...kumakayod tayo para kumita at dapat lang na gamitin natin ang pinaghirapan natin habang nabubuhay pa tayo. Para ano pa kasi at nagpapakahirap tayo kung hindi naman tayo magiging masaya?...Eh di magpakasaya na!...remeber, hindi tayo aalis ng buhay sa mundo...at hindi habambuhay ay malakas tayo...at least kung pumanaw man tayo, eh naging masaya tayo sa buhay natin di ba?...no regrets, live life to the fullest...mas mahirap kasing pagsisihan natin yung mga bagay na hindi natin nagawa, di ba?...

Kaya yung mga nagsasabing mag-ipon para yumaman...magsakripisyo para umasenso...hindi ako naniniwala dun kasi aanhin mo naman ang lahat ng yaman na yan, kung ang buhay mo ay malungkot naman?

No comments:

Post a Comment